I'm closing this door but I have opened another one...
Welcome to the another door that I opened.
Thursday, July 31, 2008
Isinara na ang pinto... pero nagbukas ng bago... =)
Sunday, May 25, 2008
I shall return... SOON...
RECONSTRUCTING MY SITE
I started with my blog skin. I had some problems with the previous one so I disposed it. Then with my links. I removed the description.
*wow! English! LoL.. ganyan talaga kasi graduate na ako...*
Promise, I'll be back soon... =)
Thursday, January 24, 2008
New Year. New Layout. New Age. New ME?!
New Year.
Hindi lang New Year 2008 ang ibig kong sabihin. Last January 11, 1st anniversary ng aking blog. Dahil busy ako (more thesis, more fun) kaya hindi na ako nakapagpost. Salamat sa pagiging part ng aking unang taon.
New Layout.
Ayos ba? Define hilo. Define nakakabaliw. Grabe. Mabuti na lang, nakikinig ako sa teacher ko sa computer nung 4th year ako kaya medyo nabago ko yung HTML code. Pero hindi nyo lang alam kung gano kahirap ang inabot ko sa paggawa nito. Tungkol sya sa math. Alam nyo namang favorite ko ang math, di ba? =)
Ano ba ang mga nabago?
Wala nang description ang link kasi super haba nya. Magmumukhang isang paragraph yung description. Mami-miss ko yun. =) Hard mag-add ng links ngayon.
Nawala na yung mga comment na ginawa nyo. Di ko alam kung paano ko sya ibabalik. huhuhu...
New Age.

Birthday ko ngayon, January 24. I'm already square root of 64 plus the prime number before 19 minus five.... hahaha! (ewan ko kung ang age ko ba ang lalabas 'pag na-compute yan).
Yun lang po!
New Me.
Hindi rin... hahaha!
Monday, December 31, 2007
New Year's resolution: promises made to be broken
2007. Isang magandang taon naman para sa akin.
Noong nasa friendster pa ang blog ko, nag-post ako ng mga New Year's Resolution ko na hindi ko naman natutupad. Since 2005, hindi na ako gumawa ng New Year's Resolution kasi anytime naman, kung kelan ko gustuhin, pwede akong magbago. Tsaka, yun at yun din naman ang aking resolution, meaning, hindi ko sya nagagawa.
Tulad na lang nang mag-aaral na ako. Hindi ko nga sinasabing mag-aaral ng mabuti, eh... mag-aaral lang. One step at a time lang. Paano ko pagbubutihan kung di ko pa sya nagagawa? At ngayon, kumusta naman? Ga-graduate na ako, hindi ko pa nagagawa...
Ang "magiging masipag na ako!" ay isa rin sa annual New Year's resolution ko. Hindi ko nasabi na yung pag-aaral ng mabuti at itong pagiging masipag, sabay kong binuo yang resolution na yan. Grade 4 ako nung time na yun, 1998. At sa pagtingin ko sa kalendaryo namin, 2007 na, malapit na ngang mag-2008. Ten years na halos. At ano na ba? Masipag na ba ako? E halos lahat ng bagay nga ngayon, kinatatamaran ko na! Ultimong mag-update nitong blog ko.
Nung nag-high school ako (3rd year), may bagong na welcome sa aking New Year's resolution family. May pa-keme pa na move on, kakalimutan ko na ang dapat kalimutan. Ayun, adopted resolution na sya ng family New Year's resolution ko.
Kaya naman hindi na ako gumawa ng New Year's resolution nung na-realize ko na hindi naman kelangang hintayin ang New Year para magbago. Speaking of pagbabago, may weird comment akong natanggap from a friend and former classmate back in HS. Wala raw nagbago sa akin since HS. Ang nasabi ko? Nasa multiply account ko... hihihi...
Ngayong malapit na ang New Year, medyo inutil na naman ako kasi hindi ako marunong magluto kaya nang matapos ko na ang salad namin, ayun, taga-tikim/okray na lang ako ng luto ni mama... hehehe...
Anyway, happy New Year sa inyong lahat! Sana maging maganda at masagana ang ating 2008. Sana, wag ding mabawasan ang mga daliri nyo... =) Salamat dahil naging bahagi kayo ng year 2007 ko.
Monday, December 24, 2007
Countdown
Talagang isina-puso ko na ang one post per month.
Anyways, kapag ganitong Christmas season, uso ang countdown. Well, come to think of it, hindi lang naman every Christmas may countdown. Sa MTV, meron. Sa MYX, meron din (at everyday pa sya), maski sa radio, meron din. Naalala ko nung ang I!FM e 93.9 KC pa, define countdown sila every Sunday! Mula umaga hanggang halos mag-gabi na. May four countdowns. Dalawa na lang ang tanda ko, e. Yung isa, yung mother of all countdown yata (parang Garci lang... hehehe...) Ang countdown na 'to ang pinaka-overall countdown of songs. Then yung isa e yung OPM countdown, malamang, top 10 of OPM songs yun.
Then noong high school ako, may countdown kung ga'nong katagal pa bago mag-uwian.
Kaya naman ngayon, marami rin akong ika-countdown.
- New Year - 8 days na lang, 2008 na! Though excited na akong mag-celebrate ng New Year, parang hindi ko pa masyadong naiihanda ang sarili ko for 2008. Bakit? Kasi sa 2008, more thesis, more fun ako with my thesismates. Bukod pa ang more defense, more fun. Pero meron akong inaabangan next year, yun ay ang
magka-jowa na akopagma-martsa ko sa May. Graduation! Wooo! Kung ang ilan e paparada bilang mga Reyna Elena, ako at ang mga classmate ko e rarampa bilang graduates... shocks! Hindi pa ako handa... hala! =) - Anniversary ng aking blog - 18 days to go, one year nang nakabukas ang pinto ng aking blog. January 11, 2007 nung una akong napadpad dito. Grabe! Akalain mong umabot pa ako ng isang taon. Pero akalain mo ulit, one year na ang blog ko, 45 posts pa lang! Ni hindi nga umabot sa 50... hahaha!
- My burthdei - Exactly one month to go, birthday ko na! Sabi nila, sa birthday ko, hindi na raw ako teenager. Ang sabi ko naman, aba! Nagagawan naman yun ng paraan. Sa January 24 po, ako e twenteen na... =) waaa!!! Di ko ma-feel na ganyan na ang age ko. Feeling ko kasi, 14 years old palang ako. Hindi nga. Tsaka iba ang dating sa akin 'pag nasa line of 2 na ang edad ng isang tao. Parang ma-thunders na. But then, thank God kasi umabot ako sa ganitong age and I'm looking forward for more birthdays. One month pa bago ang birthday ko kaya may panahon pa kayong mag-ipon para maregaluhan nyo ako... hahaha! At dahil excited ako sa birthday ko, minarapat kong maglagay ng pang-countdown... hahaha!
- Christmas - of course, bukas na 'to. Sa katunayan nga, wala nang 24 hours, Christmas na. At dahil nakakatuwa ang globe, one day unli lang ako. But at least, makakabati pa rin ako.
So, see you next year na ba? Pwedeng hindi pa. May balak akong mag-post on the 31st. Pero bago mag-New Year, hayaan nyong batiin ko kayo ng *:
Posted by sherma at 6:42:00 AM
Labels: christmas, course related, kalokohan, personal, serious, wala lang
Friday, November 30, 2007
unang (at huling) post ko for November
Ang dahilan ng pagpo-post
Ayoko naman na tuluyang mawalan ako ng post for this month. 29th of October pa ako nung huling nag-post. At least, kahit isang post, pwede na siguro. Na-miss ko kasi ang blog ko. Yung comments na dumadating, sa email ko lang binabasa. Super di na ako nakakadaan kaya naman ako'y nagpapasalamat kasi umabot pa ng 4417 (ayon sa huli kong tingin bago mag-post) ang aking hits. Tsaka ang laking factor nung huling comment galing sa kagalang-galang na si Billycoy... "walang aalis... ang umalis may tae sa puwet" sino ba naman ako para hindi mag-post at para umalis pa kung ganito ang banat sa 'kin, di ba? =)
Saan ba ako galing?
Marami akong napupuntahan ngayon... super malilibot ko na ang Maynila. Ngayon po ay abala ako sa aking OJT. Intern po ako sa isang publication sa Makati. Akalain mong sa Makati pa ako nag-o- OJT matapos ang ginawa nya sa 'kin! hehehe... Kaya masasabi ko na may dahilan na ako para hindi magpost at may maisasagot na ako kung may magtanong kung bakit wala akong post dito. Di na yung tinatamad akong mag-post o kaya naman e parang medyo sort of kinda may feeling na nagsasasawa na. Masasabi kong abala ako kaya di ako nakakapag-update.
Masaya ang company na napasukan ko though super haggard talaga... walang holiday but it's ok... Marami na akong natututunan: mga seryosong bagay at kalokohan. Nung kasagsagan ng Trillanes keme kahapon, nakakatuwa kasi nasa newsroom ako. At dumaan ako sa may Manila Peninsula nung papunta ako sa office. Kaya lang, di pa sila nagkakagulo nung time na yun.
Ang mga pagbabago
Kung inyo pong mapapansin, hindi na yung ending song ng Naruto ang maaabutan nyong song dito. Dahil bukas ay December na, marapat lamang na ang aking songs dito ay Christmas songs. Malamig na ang simoy ng hangin... masasaya naman ang mga kanta ko dito. Wala naman akong Pasko na, sinta ko. Masyadong malungkot yun. Masaya ang Christmas ko (kahit malamig... nyahahaha!) At mawawala ba naman si Jose Mari Chan. Parang hindi kumpleto ang pasko ko pag wala akong narinig na kanta nya.
Bloghop
Ang bloghop na nagawa ko o magagawa ko sa ngayon e pagdaan lang... kung mag-comment man, natuwa ako sa post o na-miss ko masyado ang blog nyo o bilang ganti sa pagco-comment nyo sa aking post.
Kailan ulit?
Di ko po masasabi... malamang may post ako for Christmas... tsaka New Year's Eve...
Salamat po sa mga walang sawang dumadalaw...
Monday, October 29, 2007
the Makati-Pasay adventure ni sherma part two: ang paliwanag
Ang haba naman ng aking title... Hindi ako naging masyadong abala nung panahong nawala ako sa blogosphere. Medyo busy pero alam nyo yun? Kaya ko namang magpost pero hindi ko ginawa... To think na ang huli kong post e may second part.
Bago ang lahat, nagpapasalamat ako sa beejay porwan na nakabisita na dito sa aking blog dahil sa pagre-research sa Armvet.
Ang second part:
After naming pumunta sa Armvet Printing, deretso kami sa World Trade Center pero may mga nangyari na medyo hindi namin inasahan...
Nagkaasaran (sila)... Napikon (sila)... basta... sila lang yun.. di ako kasali...
At para maibsan ang pagkaasar nila, tutal naman e malapit na kami dun, nagpasya na kaming pumunta doon...
Guys, sa wakas....
Pero kahit ako ang pers taymer, merong isang blogista rito**** na parang sya yung first timer nung nakita nya yung snow sa may ice rink... ganito pa ang pagkakasabi nya...
"wow! snow! hehehe..." (super lakas nyan...)
****labyah, virg!
Ang paliwanag
Pero may point talaga sa buhay natin na alam nyo yun? Parang ok na ako sa ganito... Basta... Hindi ko maipaliwanag...
Sa totoo lang, ang rason ko nang pag-a-update ngayon e para magpaalam... pero bakit ganun? Hindi ko magawa? huhuhu...
Siguro, hindi naman kailangang lagi akong mag-update, no?
Ewan ko... Magulo ako ngayon... sobra...
Nga pala... pag na-nominate si Will Devaughn sa PBB, wag nyo syang i-save, ah... Sino ba naman ang taong gustong mag-save sa isang taong di marunong mag-flush ng poo-poo? nyahahaha! Joke lang po... (hinahamon ko ba ng away si Virg? hehehe...)
Basta... Ayoko kasing umaalis tapos babalik din pala ako... Ma-pride, e noh? hehehe... Parang ganito lang yan, eh... Sabi ko kasi dati sa sarili ko na pag naglayas ako, hindi na ako babalik sa bahay... so far, hindi ko pa sya naiisip gawin... XD Ainako! Bahala na... pero hindi ko iiwan ang blog ko! :D


